Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2008

Takot at Pag-Ibig

Para kay Patrick


Interesanteng tanong ang kung bakit natatakot ang mangingibig. Interesante dahil sa simula't sapul, isang kabalintunaan ang mga salitang takot at pag-ibig. Gaya ng mga sinabi ni Patrick, walang maaaring humadlang sa pagmamalabis ng labis na pag-ibig dahil kung hindi nito ubusin ang sarili o ibigay ang lahat, hindi na ito labis—tunay—na pag-ibig, at kung gayon, hindi na ito pag-ibig. Alam natin ito: na wala naman dapat ikatakot ang pag-ibig. "Walang takot ang pag-ibig," ang sabi ni San Pablo. Sinasabi rin ito ni San Agustin sa Ang Lungsod ng Diyos: "Walang takot sa pag-ibig; pinapalayas ng dalisay na pag-ibig ang lahat ng takot, dahil may paghihirap sa takot. Hindi dalisay ang pag-ibig sa siyang natatakot" (XIV, kab. 9). Sa isang pormal na paraan, walang bahid ng takot ang diwa ng tunay na pag-ibig dahil takot mismo ang kabaligtaran ng pag-ibig: ang lahat ng takot ay ang takot umibig; at ang lahat ng pag-ibig ay ang pag-ibig na lagpasan ang lahat…

Tugon sa "Pagmamalabis ng Pag-ibig"

Sinulat ni
Patrick Nogoy, S.J.


Nandiyan Ka Na Naman
APO Hiking Society

Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natutoSulyap ng iyong mata
Aking nadarama kahit malayo
Nahihirapan na lalapit-lapit pa
Di na natutoIsang ngiti mo lang at ako'y napapaamo
Yakapin mong minsan at muling magbabalik sa 'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamangO heto na naman
Laging nananabik ang aking puso
Muling bumabalik sa iyong mga halik
Di na natutoHuwag mong gawing biro ang ating pagmamahalan
Ang puso ko'y tanging iyo lamang
***

Bakit natatakot ang tunay na mangingibig?

Sadyang nanganganak ng mga tanong ang dalawang sanaysay (bakit humihingi ng kapatawaran ang tunay na mangingibig at ang pangako ng mangingibig) ni . . . tungkol sa pag-ibig. Malapit nga naman ang valentine's day at hindi maiiwasan ang usapang pag-ibig, lalo na ang tunay na pag-ibig. At isa sa mga tanong ko mula sa pagninilay ng kanyang mga sinulat ay ang takot. Natat…

Mga Panahon ng Pag-ibig

Bakit Ngayon Ka Lang
Ogie Alcasid
Bakit ngayon ka lang?
Bakit ngayon kung kailan ang aking puso’y
Mayroon nang laman?
Sana’y nalaman ko
Na darating ka sa buhay ko
‘Di sana’y naghihtay ako.

Ikaw sana ang aking yakap-yakap.
Ang iyong kamay lagi ang aking hawak
At hindi kanya.

Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?
Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso
Ikaw ba ay nararapat sa akin?
At siya ba’y dapat ko nang limutin?
Nais kong malaman
Bakit ngayon ka lang dumating?

Ikaw sana ang aking yakap-yakap.
Ang iyong kamay lagi ang aking hawak.
At hindi kanya,
At hindi kanya.

Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?
Pilit binubuksan ang sarado ko ng puso.
Ikaw ba ay nararapat sa akin?
At siya ba’y dapat ko nang limutin?
Nais kong malaman
Bakit ngayon ka lang dumating?


***

Madaling magsisi. At mas madalas pa, ang tunay na pagsisisi ay hindi pagsisi sa iba—ibang tao, pagkakataon, Diyos, atbp.—ngunit ang pagsisisi ng sarili sa sarili. Ang ibig sabihin nito’y may mga nagawa akong pagkakamaling kung titignan ko sa ngayon…

My Bucket List

Watch a Phoenix Suns home game and shake Dan Majerle's hand.Spend a year or two in a monastery and there read the Bible over and over.
Travel to Greece alone in old age.Have the library of my dreams (dark wooden bookcases with those rolling step ladders, high ceilings, trapdoors, busts of thinkers, old maps, a wall for my then large mask collection, two large wooden desks and a Laz-y Boy.)Become a poet.
Finish my work on Gelassenheit.Fall madly in love with a complete stranger in a foreign country.Ask forgiveness from people that I have hurt.See that my sisters are happy, secure and set for life before I go.Perform three miracles.

30

Ang Pangako ng Mangingibig

NAKAPAGTATAKA
Haji Alejandro


Walang tigil ang gulo
Sa aking pag-iisip,
Mula nang tayo'y nagpas'yang maghiwalay;
Nagpaalam pagka't hindi tayo bagay,
Nakapagtataka

Kung bakit ganito
Ang aking kapalaran;
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam,
At bawat paalam ay puno nang iyakan?
Nakapagtataka, nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod,
O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan

Napahid na'ng mga luha,
Damdamin at puso'y tigang,
Wala nang maibubuga,
Wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan?

Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw?
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka, saan na napunta?

Hindi ka ba napapagod,
O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan

Kung tunay tayong nagmamahalan,
Ba't di tayo magkasunduan?

***

Ang nakapagtataka sa lahat ay kung paanong hindi magkasunduan ang dalawang nagmamahalan.

Madaling sabihi…