Skip to main content

Tugon sa "Pagmamalabis ng Pag-ibig"


Sinulat ni
Patrick Nogoy, S.J.


Nandiyan Ka Na Naman

APO Hiking Society

Nandiyan ka na naman
Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto

Sulyap ng iyong mata
Aking nadarama kahit malayo
Nahihirapan na lalapit-lapit pa
Di na natuto

Isang ngiti mo lang at ako'y napapaamo
Yakapin mong minsan at muling magbabalik sa 'yo
Na walang kalaban-laban
Ang puso ko'y tanging iyo lamang

O heto na naman
Laging nananabik ang aking puso
Muling bumabalik sa iyong mga halik
Di na natuto

Huwag mong gawing biro ang ating pagmamahalan
Ang puso ko'y tanging iyo lamang


***

Bakit natatakot ang tunay na mangingibig?


Sadyang nanganganak ng mga tanong ang dalawang sanaysay (bakit humihingi ng kapatawaran ang tunay na mangingibig at ang pangako ng mangingibig) ni . . . tungkol sa pag-ibig. Malapit nga naman ang valentine's day at hindi maiiwasan ang usapang pag-ibig, lalo na ang tunay na pag-ibig. At isa sa mga tanong ko mula sa pagninilay ng kanyang mga sinulat ay ang takot. Natatakot kaya ang tunay na mangingibig? At kung natatakot siya, anong uri ba ito ng pagkatakot?

Binanggit na isang uring pagmamalabis ang tunay na pag-ibig sapagkat wala namang alam ito kung hindi ibigay ang buong sarili kahit pa man duguan ito sa mangingibig. Kung gayon, hindi ba nakakatakot ito? Hindi ba nakakatakot ang masaktan? At hindi lamang masaktan kungdi ang pagbibigay ng buong sarili sa isang mangingibig? Ngunit hindi niya kayang kontrahin ang kanyang sarili sapagkat kung tunay siyang mangingibig, wala siyang malaang gawin kungdi ang magbigay at magbigay ng labis sa mangingibig. Samakatuwid, nauubos siya't namamatay. At hindi ba ito higit na nakakatakot—ang mamatay?

Ngunit kung susuriin ang takot na ito, maaaring itanong kung sa pagkaubos o sa pagkamatay ay tumitigil ba sa pag-ibig ang tunay na mangingibig? Napipigilan ba ang pag-ibig? O mas magandang tanong, hindi na ba ulit umiibig? Sapagkat hindi ba mas higit na nakakatakot ang pagkatigil? At lumalabas na tila hindi napipigilan ni ng kamatayan ang tunay na pag-ibig umibig. Nabanggit nga na habang hinihilom niya ang sariling naubos dahil sa pagmamalabis ay nais pa itong magbigay. Walang preno sa pagbibigay kahit mismo ang paghilom at kamatayan. Patuloy pa rin.

Sa isang banda ang paulit-ulit na kamatayan ay nakakatakot din. Ang pag-ubos at pagkamatay dahil sa labis na pag-ibig nga ay isang uring kabaliwan. Paano pa kung paulit-ulit itong ginagawa? Hindi ba't isang kamangmangan. At hindi ba nakakakot ang maging mangmang o mabaliw lalo na ng paulit-ulit?

Kaya naman hindi maiiwasan ang mag-isip, manimbang, at magnilay. Hindi maiiwasan ang suriin ang mga bagay bagay na hawak natin. Kaya naman ang halagang nakaakibat dito ay maaring magdulot ng takot. Na nakakatakot ibigay ang mga bagay na ito, na nakakatakot ang walang matira. At hindi ba mas matinding kamangmangan ito—ang maging mulat sa pagpili na umibig na labis? Hindi ba napakasakit ang makita ang sariling nababaliw sapagkat mulat at malayang pinipili niya ito? Ika nga ng kanta, "di natuto." Hindi nga ba natututo ang tunay na pag-ibig?

Ngunit kung susuriin ang takot na ito, maaring tanungin kung talaga nga bang katangahan? Kung talaga nga bang taliwas sa katwiran? Ngunit kung tunay nga ang pag-ibig, hindi ito maaring hindi magmalabis. Na mismo ang katwiran ay hindi taliwas sa tunay na pag-ibig dahil hindi naman niya pwedeng kontrahin ang kanyang kalikasan—ang magmalabis. Na hindi siya maaaring magsarili kailanman kahit na pinapayo ito ng kanyang mga natutunan.Samakatuwid, lumalabas na isang malayang pagpili ang umibig na magmalabis, isang mulat at malayang pagpili ang tunay na pag-ibig. Hindi ito bulag sa kanyang ibinibigay bagkus alam niya lahat ang kanyang ginagawa. Na may pag-iisa ng katwiran at damdamin ang kanyang pagmamalabis. Na sa huli, hindi man lang ito biro ay hindi kailaman maaring maging biro dahil seryoso itong umibig. Kung gayon, hindi talaga siya baliw. At kung hindi siya baliw, kung alam niyang nasa katwiran siya, anong dapat niyang ikatakot?

Kaya sa huling pagtutuos, kung hindi tumitigil ang tunay na pag-ibig at alam niyang siya'y nasa tamang katwiran, bakit pa rin siya natatakot? Nabanggit na ang maaring matakot ang iniibig sa pagmamalabis ng tunay na pag-ibig. Kung maaaring matakot ang iniibig, hindi kaya maaari ding natatakot ang tunay na mangingibig dahil sa kanyang mismong pagmamalabis. Na sa huli, kaya lamang natatakot ang tunay na mangingibig sapagkat hindi niya mapigilan ang magmalabis? Na bahagi ng kanyang pagmamalabis ang takot. At hindi kaya maaaring ang takot na ito ay takot lamang mismo?



Comments

  1. Anonymous7/02/2010

    haha... ang haba naman ng song na yan..

    haha,,,

    ReplyDelete
  2. Anonymous7/09/2010

    sanaysay b ung nsa baba ng song?

    ReplyDelete
  3. Opo. Sanaysay tungkol sa kanta na nasa itaas, at tugon sa nauna kong sinulat.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

Without Why (The Rose) II

Lifetime is a child at play; moving pieces in a game.
Kingship belongs to the child.

Heraclitus, Fragment 52


The child at play never asks itself why it plays. The child just plays; and if it could, it will play as long as possible, it will play throughout its life. See its delight and witness its smile.

If it would never go hungry or if the sun would never set it too will never leave its playmates and playthings. Time flies at play because it stops or suspends time. Time -- as we grownups only know too well -- is the culprit for order, schedules and priorities; yet for the child, there is no time, there is only bottomless play. It is we who impose that this or that should be done at this or that time. We stop the absurd and supposedly endless play ("He does nothing but play") because we insist that discipline, order and priorities be instilled in the child at an early age ("He needs to learn other things beside playing"). So that the child will become like us one da…