Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2008

Tugon kay Patrick

Kaibigang Patrick,

Una sa lahat, walang pangangailangang magpaumanhin sa akin. Para saan?--kung saan wala naman akong ginagawa, at mas mahalaga, ako'y nananabik pa sa anumang matinong usapan tungkol sa kung anuman at lalo na sa "pilosopiya." Dahil lagi't lagi tayong may matututunan. Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo.

Ngunit may pag-aalangan ako sa pagsabing ako'y namimilosopiya; hindi ko matatawag na ang ginagawa ko'y pamimilosopiya na. Oo, nasa larangan tayo lag't lagi ng pilosopiya. Ito ang ipinahihiwatig ni Platon sa kanyang sinabing "For by nature, my friend, man dwells in philosophy." Ngunit itong pananahan sa pilosopiya ay walang iba kundi isang pagiging-malapit lamang dito. Kaya naman, higit sa lahat, masasabi kong hindi pa ako namimilosopiya; sa katotohanan, ako'y sumusubok lamang na gawin ito. Kaya naman ako'y nagsusulat ng mga sanaysay na sa pangunahing kahulugan nito'y (Essais) isang "pagtangka." Pagtangka: ibig…

Alaala at Pag-Ibig

Sinulat ni Patrick Nogoy, S.J. (18 April 2008)


Ngayon lang ulit ako nagkaraos. [. . . ], salamat sa biyaya ng pamimilosopiya at pagsusulat mo. Malaking tulong ang mga ito sa aking pagtubo. Pasensya na kung ika'y naabala ko ngunit malaki lamang ang pasasalamat ko sa iyo.

Napagnilayan ko na ang pamimilosopiya ay hindi isang debate kung saan kailangan talunin ng isang pilosopo ang kapwa pilosopo. Ang pamimilosopiya ay hindi upang makamtan ang tamang sagot. Ang pamimilosopiya pala ay pagmimina. Pagmimina sa aletheia at hindi isang paligsahan kundi isang pagtutulungan tungo sa pagtubo. Sa bawat pagmimina/pagninilay, lumalatag ang isang aletheia. Kasama sa pagmiminang ito ang katapangan upang mamatay sa sariling aletheia upang mayakap ang higit na aletheia. Sa karanasang ito, maraming salamat, [. . .] at ediboy.

Isa pang pagmimina.

***

Alaala at Pag-ibig



Minsan Lang Kita Iibigin
Mahal pangako sa Iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na di maglala…