Skip to main content

Alaala at Pag-Ibig


Sinulat ni Patrick Nogoy, S.J. (18 April 2008)



Ngayon lang ulit ako nagkaraos. [. . . ], salamat sa biyaya ng pamimilosopiya at pagsusulat mo. Malaking tulong ang mga ito sa aking pagtubo. Pasensya na kung ika'y naabala ko ngunit malaki lamang ang pasasalamat ko sa iyo.

Napagnilayan ko na ang pamimilosopiya ay hindi isang debate kung saan kailangan talunin ng isang pilosopo ang kapwa pilosopo. Ang pamimilosopiya ay hindi upang makamtan ang tamang sagot. Ang pamimilosopiya pala ay pagmimina. Pagmimina sa aletheia at hindi isang paligsahan kundi isang pagtutulungan tungo sa pagtubo. Sa bawat pagmimina/pagninilay, lumalatag ang isang aletheia. Kasama sa pagmiminang ito ang katapangan upang mamatay sa sariling aletheia upang mayakap ang higit na aletheia. Sa karanasang ito, maraming salamat, [. . .] at ediboy.

Isa pang pagmimina.

***


Alaala at Pag-ibig



Minsan Lang Kita Iibigin
Mahal pangako sa Iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na di maglalaho

Ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa iyo'y
Walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman

Minsan lamang sa buhay ko
Ang isang katulad mo
Ako rin ba'y iibigin mo?
Dinggin puso'y sumasamo
Sinusumpa sa'yo
Ikaw lang ang syang dalangin ko.



***
Nagiging posible ang minsan ay magpakailanman dahil sa realidad ng alaala. Maraming nibel ang alaala. Mayroon iyong pag-aalaala sa mga bilin o dapat gawin sa pang-araw-araw. Pagsasaulo ay madalas kaugnay ng alaala. Isinasaulo ang mga leksyon sa eskuwelahan lalo na sa isang pagsusulit upang masagutan nang tama ang mga ito. Isinasaulo ang mga direksyong ibinigay upang hindi mawala o magawa ang nararapat na gawin. Isinasaulo ang mga pangalan at mga mukha upang maalala ang taong nakakilala't nakasalubong. Ngunit, hindi lahat ng isinaulo ay tumatagal. May nakalilimutan din. Nangyayari ang mental block sa gitna ng isang pagsusulit o isang presentasyon. Nawawaglit sa isipan ang mga direksyon kaya nawawala. Nakakaligtaan ang mga pangalan.
Ngunit mayroong pagsasaulo na higit sa paggamit ng kaisipan. Ang mga natutunan o naisaulo dahil sa mga karanasan ay kadalasan "pangmatagalan." Halimbawa ang pagbibisekleta o pagmamaneho. Ito ay mga halimbawa ng pagkatuto sa isang karanasan—sa paulit-ulit na pagbalanse. Practice, ika nga. Na sa paulit-ulit na paggawa ng isang bagay, natuto o naisasaulo ng katawan ang gawain na kahit na matagal na hindi nakabisikleta o nakamaneho ay nagiging posible pa rin ang magawang magmaneho o mamisikleta sa pamamagitan ng ilang subok. Mayroong taglay na alaala ang katawan. Kinakalawang, oo, pero naalala pa rin ang gawain o ang mismong karanasan kahit hindi turuan o kahit sa pamamagitan lamang ng ilang subok.
At hindi ba sa isang banda, ang pag-ibig bilang karanasan ay may taglay na alaala na higit sa pagsasaulo sa isang pagsusulit; alaalang halintulad sa alaala ng katawan? Nagiging posible ang minsan ay magpakailanman dahil sa alaala ng pag-ibig. Ngunit paano ito?
Kung babalikan ang kahulugan ng tunay na pag-ibig bilang isang ektasis o isang pagtalon sa iniibig (at sa pagtalon nito mismo natatamo ang kaligayahan), malinaw kung paano nagiging posible ang minsan ay magpakailanman. Dahil walang iniiwan sa sarili ang tunay na mangingibig, bagkus ibinibigay niya ang lahat lahat sa Iniibig, tumatalon pati ang kanyang kahulugan doon sa pag-ibig mismo. Dahil tumatalon ako sa Iniibig ko, itong pag-ibig na ito ang siya nang naging kahulugan ko. Kaya posible ang kasabihang: we become who we love. Nagiging Siya na Ako, na wala na akong mapanghawakang kahulugan kundi ang pag-ibig na ito na binibigyan Niya ng kahulugan. Ang mundong ito ay binibigyang Niya ng kahulugan at ang kahulugang ito ang nagbibigay kahulugan sa Akin sapagkat walang ibang mahalaga sa akin kung hindi ang Iniibig.
At hindi lamang ito pisikal na Iniibig. Ika nga ni [. . .] sa kanyang "Topography of Joy and Anxiety," itong Ikaw ay ang hindi lamang iyong tao pero ang kanyang presensya, ang mismong Meron niya ("Heidegger's clue discloses that what joy enjoys is the presence of the being—not merely the person—of someone we love.") Itong kaligayahan sa buong-buong Siya, ang aking Iniibig, ang mismong nagpapatotoo sa salitang magpakailanman. Sapagkat, kahit lumipas na, mamatay o lumayo o iba na ang inibig ng Iniibig, ang maalala ko Siya ay higit sa sapat upang magiging totoo Siya at Kami sa lahat ng lugar, sa lahat ng oras. Ito rin ang binanggit ni [. . .] sa pagtatapos ng naturang sanaysay:
And though she be gone, the love shall remain. Though it is true that the love stays with me and may continue to give me a joy that survives her, the love also remains in the world's places. When she first arrived, she transfigured the world. And though she may never return, the world can still speak for her absent talking, it can nevertheless point to her or stand for her, signify her by retaining her trace. She may be gone, but the world remains and reminds me to think of her. She is gone. But I still have the world, I still have her in the world—and, perhaps, that is already more than what a lucid mind can ever bear.
Ang mga restarwan na kinainan, ang mga liwasan na pinuntahan, ang mga lugar na pinangyarihan ng pag-ibig namin ay para bagang hindi malilimutan kailanman. Kaya masakit kapag hindi nagkatuluyan sapagkat Ako ay naiwan sa kawalan dahil kahit mismo ang kahulugan ko na siyang tanging nagbibigay saysay at tanging pinanggagalingan ng kaayusan sa aking sarili ay nakaangkla sa pag-ibig kong nabigo. Ako'y walang-wala at kaya posible nga ang "gumuho ang mundo" sapagkat nabigo ako sa "aking mundo," sa Iniibig ko. At dahil nga ang presensya ng kanyang Meron ay nasa paligid at magpakailanman, para bagang wala akong takas, na isang magpakailanman din ang sakit. Na tila wala nang pag-asa dahil parati na lamang Siyang nariyan, ang kadahilanan ng kabiguan, ng kasakitan, ng kamatayan. Kailangan lumayo pero paano makakalayo kung hindi ko naman matakasan ang anino ng Siya? Hindi ko Siya kailanman matatakasan.
Interesante ang mga ilang talata na ito ni [. . .]:
That I must and can only meet her within the horizon of time and space; that she, finite as I am, can only appear to me as a body likewise ruled upon by the world itself; that she, too, is but could not have been—all these make me see that she does not only share with me the sufferings of mortality, but she may also, as the gift of joy that comes to the world itself, be the Other who no longer makes the world vain but be the very other who makes the world once again—beautiful. Alone, all is vanity. But upon her arrival, the hitherto vain and anxious world suddenly becomes transfigured into a world which makes joy possible.
[. . . ]
The indifferent world all of a sudden becomes party to the possible love that she brings: the world's places then become possible spaces where we can love. My horizon is opened up, enabling me to see that the vastness of space need not be terrifying, but it is that very infinity which could possibly contain my infinite joy. And because joy exudes joy, my joy then marks itself, "leaves a mark," in every place where I love, in every place love was made. Every place is a place where love can be placed: and I no longer mark places but they mark me, they mark me as places where love was and can be. No place is saved from any possible love: and the infinite space can now only mirror my infinite love.
Sinasabi ng mga talatang ito na dahil sa Kanya, sa tunay na pag-ibig ko sa Kanya, nagkaroon ng kabuluhan ang mundo. Ang tunay kong pag-ibig ang mismong nagbukas at nagpalawak ng lahat ng maaring mangyari (infinite possibilities) sa mundong ito. Lumalabas na dahil sa pag-ibig sa kanya, ang kaligayahan dulot ng pagmamahal ko ay maaari sa lahat ng panahon, sa lahat ng lugar. Nang dahil sa pag-ibig ko sa kanya, posibleng mahalin ang mundo. Kung saan akala ko na Siya lamang ang mundo ko, tinangay ako ng kaligayahan sa higit na mataas na antas: na posible ang magmahal ng tunay sa mundong ito dahil sa karanasan ko ng tunay na pag-ibig sa Kanya.
Ang pag-ibig ko sa Kanya, na ang akala ko ay may exclusivity ay hindi pala exclusive. Ang tunay na pag-ibig nga ay ek-statis—tumatalon mula sa aming dalawa patungo sa ibang tao at sa mundo. Ang kaligayahang ito ang nagbibigay lawak sa paningin ko at pagmamahal sa mundo. Tumutubo ako.
At dito lalong lumilitaw ang isang problematiko. Hindi ba kabaligtaran din ang nangyayari kapag nabigo sa tunay na pag-ibig? Na ang topograpiya ko ng kaligayahan ay madaling mabaligtad tungo sa topograpiya ng galit at pagkalugmok? Kung naaalala ko Siya, paano ako mabubuo? Paano ako makakaibig muli? Talaga nga bang minsan umiibig ang tunay na mangingibig? Magpakailanman ko ba Siyang iibigin, Siyang aking pagkabigo?
Kaya totoo ang pagsubok sa pagkalimot o pagkabura ng Siya sa buhay Ko. Kung hindi ko Siya mabura, maaari kong burahin ang mismo kong sarili, sa pag-asa na sa kabilang mundo ay hindi ganito ang kapalaran ko. Totoo rin ang galit, ang paghihiganti, ang pagpatay. At totoo rin ang magpakailanman ng alaala sapagkat kahit anong subok sa pagbura o pagkalimot, hindi pa rin makalimutan. Ngunit may misteryo ang paghilom ng pag-ibig sa daloy ng panahon.
Sinasabi ni San Pablo na: "Love bears all things, endures all things." Na kayang lagpasan ng tunay na pag-ibig ang anumang sakit upang ito'y umibig muli. Ngunit mahalaga na kasama sa tunay na pag-ibig na ito, kasama sa ektasis na ito ay ang pagtalon sa realidad ng sakit, ng kabiguan. Ito rin ang sinasabi ni [. . .] sa mga linya ni Nietzsche sa Thus Spoke Zarathustra: "'Did you ever say Yes to one joy? O my friends, then you said Yes to all woe as well' (10 331-332). Or better: 'For all joy wants itself, therefore it also wants heart's agony! O happiness! O pain! O break, heart! You higher men, learn this, learn that joy wants eternity of all things, wants deep, deep, deep, eternity! '(11 332)." At kanyang dinugtungan ang kaisipan ni Nietzsche: "If, for instance, we give Zarathustra's song a chance to speak to us, then, while it claims that joy is deep woe, its inverse then can—must—also be imagined. That is to say, it must be thought how anxiety itself can be transfigured in joy. It must be asked if and how joy—ultimately finite joy—can nevertheless last and stand the assault of anxiety in order to save it from local vanity. Or in other words, I ask if can I invert her absence into presence?—the sorrow of her disappearance into the joy of her fullness?"
Ito rin, marahil, ang palaisipan sa kabiguan, sa kasakitan. Ultimate finite joy can last and stand the assault of pain, of desolation, of memory. Posible ito sa karanasan ng pagtanggap. Pagtanggap sa realidad na kasama sa pag-ibig na tunay ang masaktan at mabigo. Sapagkat mismong sa simula't simula pa, alam naman ng tunay na mangingibig na hindi posible ang magpakailanman. Na maaari akong saktan o mabigo ng Iniibig ko. Na sa gagawin kong lubusang pagbigay, maaaring wala akong matanggap. Alam ito sa simula't simula pa.
Ngunit hindi ko mapigilan ang hindi magmahal nang tunay, ang hindi magbigay. At sa tunay na pag-ibig na ito, naranasan ang kakaibang kaligayahan mula sa pagmamahal sa presensya ng isang Meron na siyang nagtulak sa aking magmahal din sa mundo. Tumubo ako. Ito ay realidad din. Na sa sa kabila ng pagkabigo, ako'y tumubo at patuloy na tumutubo sa bawat pag-ibig, sa bawat kaligayahang nararanasan; kaligayahang kung saan kasama ang pasakit at pagkabigo.
At hindi ba ito ang nagbibigay pag-asa sa akin upang magmahal muli? Hindi ba ang pagtanggap sa mga realidad na ito sa daloy ng panahon ang katuturan ng pag-asa ko? Tinanggap ko ang realidad na ito na walang alam ang tunay na pag-ibig kundi ang bumangon at umibig muli. Sa huling pagtutuos, hindi na Siya ngunit ang pag-ibig na mismo ang kinakapitan ko, ang inaasahan ko. "Hope is the final guarantor of fidelity; it is that which allows me not to despair, that which gives me the strength to continue to create myself in availability to the other," ika nga ni Marcel. Ang ekstastis ay nangyari mula sa Iniibig tungo sa Pag-ibig mismo na siyang nagbibigay ng pag-asa. Sa Pag-ibig na ito ko hinuhugot ang kahulugan ko kaya muli akong nabubuo. Binabasag ng pag-asang ito ang topograpiyang dulot ng pagkabigo o pagkalugmok. Patuloy ni Marcel, "Despair is equivalent to saying that there is nothing in the whole of reality to which I can extend credit, nothing worthwhile. Despair is possible in any form, at any moment and to any degree, and this betrayal may seem to be counseled, if not forced upon us, by the very structure of the world we live in" (Marcel 1995, 26). Hope is the affirmation that is the response to this denial. Where despair denies that anything in reality is worthy of credit, hope affirms that reality will ultimately prove worthy of an infinite credit, the complete engagement and disposal of myself. Dahil sa Pag-ibig na ito, may katuturan ang mundo, may kabuluhan. Maaari akong makapagpatuloy. "I can move on." At sa bawat pagpapatuloy ko, tumutubo ako.
Dito nagiging posible ang magmahal sa kabila ng alaala. Tunay ngang naaalala ko Siya ngunit sa patuloy kong pagmamahal, kahit mismong ang alaala ko sa Kanya ay ibinibigay ko sa patuloy kong pagmamahal. Kaya hindi lamang Siya, ngunit ang buong mundo mismo, ang mundo na puno ng mga posibleng lugar para sa tunay na pag-ibig, na siyang sumasalamin sa walang hanggang pag-ibig ko, ay nagiging bahagi ng aking pagmemeron—nagiging Ako. I, myself, am transfigured.



Comments

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

A Love Sooner than Later

BROWN PENNY William Butler YeatsI whispered, 'I am too young,' And then, 'I am old enough'; Wherefore I threw a penny To find out if I might love. 'Go and love, go and love, young man, If the lady be young and fair.' Ah, penny, brown penny, brown penny, I am looped in the loops of her hair. O love is the crooked thing, There is nobody wise enough To find out all that is in it, For he would be thinking of love Till the stars had run away And the shadows eaten the moon. Ah, penny, brown penny, brown penny, One cannot begin it too soon.

*
One cannot begin to love too soon--conversely, one should not love too late or in life's demise. That waiting for the "right time," or the "right person" to love, what are these but the cries or sighs of an unready, even tired, heart? One becomes ready only when one begins to understand love slowly (or again), and one understands love progressively when one, simply, performs the act of love. Love, like mos…