Skip to main content

Balatkayo

a



Balatkayo
Joey de Leon

Balatkayo lahat
Ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang bulaklak
Ang s'yang katulad mo
Nguni't paglapit ko'y walang bango

Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O kay-sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko

Balatkayo lahat
Ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang pangarap ang s'yang katulad mo
Nguni't sa isip lang ang lahat ng ito

Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O kay-sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo

Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O kay-sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo
Kaya ang buhay ko ngayo'y balatkayo...


***


Matakot sa mga babaeng may maskara. Mga dalagang kay ganda ng ngiti ngunit kay bagsik ng kamay. Sisirain nila ang iyong buhay.

Ngunit hindi malalamang maskara ang maskara sa simula't madalas. Papaano pa? kung ito mismo ang tanging yaman nila: ang mapang-akit na kagandahan na huhuli sa iyong mga mata. Dito nagkakasala ang dalawang bintana: naghahanap ng kagandahan sa mundong balatkayo. Ngunit muli, papaanong hindi?

Kaya kailangang linawin na ang pagkahumaling na ito ay hindi dala ng kahinaan o pagkukulang sa bahagi ng nahahalina. Sa katunayan, kumikilos lamang siya batay sa kanyang nakikita. Isantabi natin ang kanyang “pakiramdan” sa dahilang ito’y pabago-bago at mailap sa usapan. Ang nakikita ko, kung gayon, ay isang anyong napagpasyahan ko o “alam” kong maganda--isang kaalaman ng mata at hindi ng isip o damdamin.

Halimbawa may natagpuan akong tagong bulaklak sa isang malawak na hardin. Napansin ko ito dahil sa kanyang matingkad na kulay na nangibabaw sa marami pang ibang (maganda ring) bulaklak. Gaya ng bata (at ako’y lagi’t laging bata sa anumang usapin tungkol sa kagandahan), hindi ko maiiwasang lumapit upang mapagmasdan ito nang mas mabuti. Hayan, tunay ngang magandang bulaklak!

Ngunit dahil sa ako’y lumapit o napalapit sa kanya, doon ko napansing di gaya ng ibang hindi kasingandang bulaklak, wala pala itong bango, itong pinakamagandang bulaklak. Hindi sa mabaho o mahina ang bango; wala lamang itong inaalok sa aking pang-amoy, di gaya ng ibang bulaklak. Kaya aking nabatid na kaya pala matingkad ang kulay nito, kaya ito maganda, ay dahil wala itong bangong makaaanyaya sa mga bulag na bubuyog na tatamnan sana ito panibagong buhay. At ano ang bulaklak kung hindi ito mabangong bulaklak? Sa katunayan, ang bulaklak na ito’y maganda dahil malapit na itong malanta.

Nahahalina ang mga matang lumapit sa pag-aakalang sa huli’y mapapasakanya ang magandang bulaklak. Ang pagkamit ng magandang bulaklak (hindi upang maging pag-aari ngunit upang ito’y alagaan, mahalin) ay nagiging isang magandang posibilidad para sa hardinerong mapagmahal. Kaya naman sa harap ng bulaklak na ito, maaari akong maging tagapangalaga ng kagandahan (dahil hindi ako maganda) o maaari ako--sa wakas--na maging mangingibig (dahil hindi ako kaibig-ibig).

Magandang posibilidad: ito ang alok, ang pain, ang bitag nila. At sinumang tuso, sinumang may mabuting loob, wari ko'y mahuhulog para dito. Pain sa dalawang banda: una, dahil akala mo'y maganda--matingkad, o kumikinang kasi; at ikalawa, akala mo'y tunay na posibilidad--kung saan, habang maaari ngang mas may bigat ang posibilidad, wala pa rin itong pagmemeron ("Nguni't sa isip lang ang lahat ng ito"). At ang pagtataya ng nahalina at nais maging mangingibig: iiwan ang lahat, ang talaga at nasa meron, para sa isang kumikinang na posibilidad.

Ngunit hindi lahat ng magandang bulaklak ay mabango. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

Madaling sabihin, kung gayon, na ako ay nalinlang dahil may paglilinlang na naganap. Ibig sabihin, upang ako’y mahulog sa patibong o bitag, kailangang isiping may naghanda ng bitag at para bagang naghintay na ako’y mahulog. Maaari, at ito madalas ang wari ng marami--na para bagang may pasdayang intensyon siyang nanghalina sa akin upang manakit, upang manlinlang. Bakit kasi maganda ang isang walang bangong bulaklak? Bakit kasi kumikinang ang hindi naman ginto? Bakit kay ganda ng kanilang ngiti?

Dahil balatkayo lahat ang buhay sa mundo. Hindi dahil sa mapaglinlang ang lahat ngunit dahil sa payak na katotohanang ang lahat kasi ay nag-aanyo. At kung ang lahat ay nagpapakita sa pamamagitan ng kung anumang anyo--maganda o hindi, mabango o hindi, totoo o hindi--kailangang mangilatis nang mabuti, kailangang tignan ang lahat sa malapitan, at higit sa lahat, kailangan ng panahon upang hayaang maglantad mula sa pag-aanyo ang dating nagtatago, upang hayaang magpakita sa wakas ang katotohanan nito--o ang paglilinlang nito.

Balatkayo lahat dahil nag-aanyo lahat, dahil may maskara lahat. Marahil ito ang dahilan kung bakit binunot ni Oedipus ang kanyang mga mata: hindi niya na kayang tignan ang daidig na balatkayo.

Ngunit huwag matakot sa mga babaeng may maskara--kundi maawa. Kumukupas ang matitingkad na kulay, kinakalawang ang hindi ginto, at kapalit ng kanilang mapaglinlang na pag-ibig ay ang sumpa ng panahon.



30

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

Without Why (The Rose) II

Lifetime is a child at play; moving pieces in a game.
Kingship belongs to the child.

Heraclitus, Fragment 52


The child at play never asks itself why it plays. The child just plays; and if it could, it will play as long as possible, it will play throughout its life. See its delight and witness its smile.

If it would never go hungry or if the sun would never set it too will never leave its playmates and playthings. Time flies at play because it stops or suspends time. Time -- as we grownups only know too well -- is the culprit for order, schedules and priorities; yet for the child, there is no time, there is only bottomless play. It is we who impose that this or that should be done at this or that time. We stop the absurd and supposedly endless play ("He does nothing but play") because we insist that discipline, order and priorities be instilled in the child at an early age ("He needs to learn other things beside playing"). So that the child will become like us one da…