Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2010

Ika-anim

[Ang] passionate love ay kahalintulad ng paglabas para bumalik. At ang galing kasi totoong ganun nga iyong nangyayari, mas mabilis magustuhan o mahalin kapag malayo sa atin kasi na-iidealize natin siya. Samantalang kapag malapit at laging nakakasama, nakilala natin bilang siya.


Yung intellectual love naman ay ang pagmahahal "which we will." Will kasi pinipili natin siyang tingnan bilang isang taong iba sa atin. At tila pareho, kung hindi pareho nga, ng pagtingin sa iniibig bilang suheto.


Sa araw-araw din na maraming gaze ang nakadirekta sa atin, hindi natin napapansin ang lahat. Lahat sila obheto, ngunit mayroong isang magiging suheto dahil nagkakaroon ng will.


*


"Friendship, the most carnal or most sentimental love, and the most brutal desire, just like the most disinterested benevolence and the most perfect charity, play out only according to this singular game ["either I do not love him and I pass him by going around him"]." ("The Intentionality of L…

You Might Just Get It

Why is getting what you wish for sometimes more problematic than getting what you did not ask? I've a theory. Perhaps because the responsibility for your decisions falls squarely on your shoulders, and you shall have nobody else to blame but yourself. I have coined some words for such situations: "Ginusto mo iyan eh. Malaya ka naman."


There is freedom in not being free to choose. Most wail and whine and complain when their freedoms are limited and constrained: I want to do it my way, I want to decide for myself. Then go ahead, be my pretty guest.


What happens next, in that aspired-for moment of freedom, may be absurd and impossibly amusing. Unable to decide for himself, or unable to blame anyone else in case he makes a mistake, he suddenly feels the shudder of freedom and the burden of choice. He fumbles and stutters as he finally chooses what he says he had always wanted but never got around to it because of other people's whips and canes. But at that moment of releas…

Ikalima

5.


Kung ang tinutukoy niyo po ay kahawig ng "love at first sight," hindi po ako naniniwala rito. Walang itong lohika. Oo, wala ring lohika ang pag-ibig; ngunit para po sa akin ay hindi maiiuwi ang ka-walang lohika ng "love at first sight" sa ka-walang lohika ng pag-ibig.


Kung ang tinutukoy niyo naman po ay iyong pakiramdam sa simula ng pag-ibig, ito po ang opinyon ko ukol dito. Tila mas nakikita ang mga paglalarawang ginawa niyo sa umpisa ng pag-ibig (ngunit hindi sa lahat ng pag-ibig). At sumasang-ayon po ako sa pagsasabi niyong mapalad iyong mga nakaramdam ng ganitong katiyakan. Ngunit sa tingin ko po, karamihan kung hindi man lahat ng pag-ibig ay umaabot sa ganoong punto. May mga ibang nauuna, may ibang nahuhuli. Ngunit marami na ang dumaan dito: iyong pagkakaroon mo ng katiyakan na "siya na." Minsan sa umpisa pa lang ng relasyon ay nararamdaman na ito ng tao. Ngunit may mga pagkakataon din naman na umiibig lang ang tao nang naniniwalang walang katiyakan…

Ika-apat na Tanong

4.
Totoong mahirap umibig. Ngunit kung maharap ka sa isang taong posible mong ibigin, o nasimulan mo nang ibigin, hindi naman papasok sa isip mo kung gaano kahirap ito. Hindi mo tatanungin ang sarili mo kung paano kung masaktan ka lang. Madalas ay naiisip at tinatanong lamang natin iyon kung napagod tayo (gaya nga ng sa Absurdo) – at hindi tayo mapapagod kung hindi tayo umibig muna. Laging nauuna ang pag-ibig.

Ngunit kasabay nang hindi natin pagtatanong ay ang posibilidad na nakabatay lang sa pakiramdam ang “pag-ibig” natin. Iyon ang nakita kong problematiko (dahil sa pag-aaral kay Marion) sa “pag-ibig”. Maaaring mabilis ito dahil masaya tayo. Pero, sa pagsusulat ko nito, naisip ko na marahil kailangan talagang pagdaanan muna yung punto na masaya tayo at mabilis ang lahat. Tila imposibleng hindi pagdaanan ito.
At pagdating sa punto kung saan hindi na mabilis ang lahat, marahil dun natin makikita kung totoo nga ang pag-ibig natin: kung willing pa rin tayong manatili kahit na hindi na mab…

Ikatlong Tanong

3.

Kung posibilidad ito na lampas sa reyalidad, may halaga pa ba na subukan natin itong gawin? . . . Lulundag na lang ba tayo dahil mas matimbang yung posibilidad na mahalin tayo kaysa sa posibilidad na hindi tayo mahalin at masaktan lamang tayo? Maiuuwi ba ito sa tanong na iyon?


Kung ipapasok naman po si Platon, may halaga pa bang subukan natin kung mananatili lang naman tayong anino ng reyalidad? O gagawin lamang natin at patuloy na susubukan, ngunit lahat iyon in vain?



Oo, tingin ko ito mismo ang nakataya sa ideyal na pag-ibig.


Una: kung gagawin ko pa rin bang umibig nang lubos, ibigay ang lahat, para sa isang ideyal na malamang hindi naman magiging talaga o isang reyalidad. Ibig sabihin, kahit anong pagsubok ko, anumang tindi ng pagnanais ko, lagi akong magiging kapos at kulang kapag dumating na sa pag-ibig sa kanya. Kaya nga sinabi ni Marion: Wala akong maaaring gawin sa kanya kundi ang magpaumanhin sa aking mga pagkukulang at pagkahuli. Hinahatulang kulang ang bawat mangingibig. At…

Dalawang Tanong

1.

Kung gusto ng iniibig na baguhin yung mangingibig, yun po ba yung paglabas para bumalik muli? dahil gusto baguhin nung iniibig yung isa at hindi niya minamahal yung mangingibig bilang siya (kahit na para naman sa mabuti yun)?

*

Magandang tanong. Kung ako lamang, palagay ko hindi naman kailangan na ang bawat pagnanais ng isa na baguhin ang iniibig ay sa bawat pagkakataon maging "paglabas para bumalik" o makasarili. Gaya ng sinabi mo, maaari namang hangarin ko (halimbawa) na magbago ang aking iniibig dahil sa palagay ko ang pagbabagong iyon ay makabubuti sa kanya para sa sarili niya. At kung ang pag-ibig ay ang paghangad sa ikabubuti ng iniibig, maaari nga naman na tunay na iniibig ko siya sa pagsubok kong baguhin siya. Halimbawa, nasasaktan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng iba't ibang bisyo o nakasasakit siya sa iba dahil sa kanyang mga ugali, atbp.


Ngunit, at ito ang mahirap na bahagi, kailangan tanungin ko ang aking sarili kung nais ko bang magbago ang aking ini…
From IF
Rudyard Kipling



If you can make one heap of all your winnings
And risk it all on one turn of pitch-and-toss,
And lose, and start again at your beginnings
And never breath[e] a word about your loss;

[ . . . ]

Yours is the Earth and everything that's in it,
And - which is more - you'll be a Man, my son!

* * *

To risk it all on one turn of pitch-and-toss: to return what was not yours before and thus never yours at all. Either it was pure accident or pure gift or purely absurd; and whatever it may be, there is no logic in keeping what you do not deserve because the world does not owe any one anything but only the other way around: you owe the world everything.


And when you owe everything, every thing is struck with grace and grandeur, worth and value, wonder and delight. And to wonder at everything makes you aware of the beauty of this stone, and the fear of that awesome mountain, weep for the death of a fallen blue jay, and embrace fortunes blessed or bad.


Wonder is the beginning of…

5000

Tinanong ko ang aking mga estudyante
kung napapansin pa ba nila ang mga batang lansangan.
Kuya, ate, palimos ng barya.
Tahimik ang karamihan: hindi alam
kung anong dapat sasabihin. May mga kumibo.
Hindi.
Akala siguro nila iyon ang sagot na aking
hinahanap o na naghahanap ako ng sagot.
Mag-ingat sa iyong mga tanong.



Tinanong ko sila
kung nagbibigay ba sila ng barya.
Hindi.
May dali-daling nagtaas ng kamay
at nag-alay ng paliwanag. Pabiro ko agad na tinukso,
sabi ko mukhang guilty ka.
Dahil kung nagbigay ka raw sa isa, darating ang iba't
dudumugin ka. Pabiro muli:
So? Ano kung gayon?
Pero sumang-ayon ako para palubagin ang kanyang loob:
Sabi ko baka hindi nga naman mangyayari sa lansangan
ang nangyari sa 5000.
Hindi ka si Kristo.



Tinanong ko pa rin sila
tinitignan pa ba nila ang mga mukha ng mga bata.
Hindi.
May sumagot: Dahil daw hindi
natin masalo ang kanilang mata
na sinusubukang makipagtago sa itim
ng ating sariling mga mata,
upang may makita,
upang may makapitan,
upang may tumugon.
Patawarin. Pas…

Not Now

i.

I woke up to a still absence
that awaits those who hate death.
I have written this before:
in different ways and
in different names yet
always leaving the same
withdrawal,
abandonment--
and surprise,
the kind of which you never want
to see again until you are old, alone
and dying.



ii.

I gatherthat it is because the world leaves me
on such mornings: the rush to the roads
while I rush to the coffeemaker and papers,
taking my time. Go on,
you do not need to see me
and what I do or do not do.
I will not fail you.



iii.

Save for today.
There is only so much a weak stomach
and a trembling hand
can consume, produce.
My head is light.
It was too late when I had it.
I thought sleep would be kind
and the mind kinder.
Now it dances,
my feet lag behind.
Rest me.
Save me today.