Skip to main content

Ika-anim



[Ang] passionate love ay kahalintulad ng paglabas para bumalik. At ang galing kasi totoong ganun nga iyong nangyayari, mas mabilis magustuhan o mahalin kapag malayo sa atin kasi na-iidealize natin siya. Samantalang kapag malapit at laging nakakasama, nakilala natin bilang siya.



Yung intellectual love naman ay ang pagmahahal "which we will." Will kasi pinipili natin siyang tingnan bilang isang taong iba sa atin. At tila pareho, kung hindi pareho nga, ng pagtingin sa iniibig bilang suheto.



Sa araw-araw din na maraming gaze ang nakadirekta sa atin, hindi natin napapansin ang lahat. Lahat sila obheto, ngunit mayroong isang magiging suheto dahil nagkakaroon ng will.


*



"Friendship, the most carnal or most sentimental love, and the most brutal desire, just like the most disinterested benevolence and the most perfect charity, play out only according to this singular game ["either I do not love him and I pass him by going around him"]." ("The Intentionality of Love," Prolegomena to Charity p.166)


Sabi mo kasi noong isang araw na makikita natin sa mga magkakaibigan ang posibilidad ng pag-ibig na hindi kailangang manatili o matali sa pakiramdam, emosyon, kamalayan--ang posibilidad ng "love at first sight" at sabihin nating isang uri ng pag-ibig na maaaring magtagal.


Kaya, palagay ko, nahuhuli ng ka-ibig-an ang diwa ng pag-ibig bilang caritas. Tama kaya? . . .


At iyan ang interesante: kung ang pag-ibig ba ay isang will o kalooban, isang "will to love," isang pagpili o pagpilit na ibigin siya sa pamamagitan ng pagpilit isiping hindi siya obheto upang maging tao, upang maging kaibig-ibig. Paano kaya iisipin ang pag-ibig bilang "willed" o kilos ng aking kalooban o lalo na ng aking kalayaan? Para kasing hindi romantiko, parang ang layo sa karanasan, o baka pabalik na naman sa sarili ang galaw dahil nasa akin ang inistyatibo?


Pero noong nakapanayam ko si Marion (feeling naman ako) tungkol sa lugar ng "will" sa kanyang pilosopiya, ang sagot niya'y "true love is will." Bakit kaya?


*

Parang kahawig dun yung nais kong itanong. Sa sinabi ko nga po tungkol sa "love at first sight," nakikita ko lang siya bilang suheto nang walang effort na nagmumula sa akin (gaya nga ng sa pagkakaibigan). Ngunit kung may "act of will," ibig sabihin ba pinipili natin kung sino yung magiging suheto at kung sino yung magiging obheto? Kung ganito, hindi na siya nagpapakita bilang suheto kasi tayo yung pumipili?


Kung sasagutin ko yung tanong niyo, parang binibigyang-sagot ko na rin yung tanong ko. Sa tingin ko po, sa umpisa ay nananatiling suheto yung iniibig (kung magsisimula sa pagkakaibigan). Ngunit bago maging romantiko yung pag-iibigan, tila dumadating sa punto na magiging obheto siya just dahil pumapasok sa isip ng tao yung "pwede" o "hindi." Sa ganito, titingnan mo na siya ayon sa mga katangian niya kaya nagiging obheto. At hindi ko po alam kung maaaring hindi dumaan sa puntong ito sa romantikong pag-ibig.



Kung iniibig mo na siya, bumabalik muli siya sa pagiging suheto. Suheto kasi hinahayaan mo na siyang magpakita muli sa sarili niya. Ngunit hindi ba may mga puntong dumarating kung kailan nagiging obheto nanaman siya? Kung kailan gusto nating baguhin ang paraan niya ng pananamit? Kung kailan naiinis tayo dahil madaldal siya sa mga panahong gusto natin na tahimik? Kung kailan iisipin natin muli ang mga katangian niya at mapapaisip muli tayo kung "okay ba siya o hindi." At nakakatakot dahil baka manatili tayo sa ganitong sitwasyon - baka patuloy natin siyang tingnan bilang obheto. At tingin ko po, dito dumarating yung "will." Kailangan natin muli siyang tingnan bilang suheto. Dapat nating paalalahanan ang ating sarili na suheto siya. Maaaring hindi romantiko dahil hindi awtomatiko. Ngunit naniniwala po kasi akong "love is a choice." Kung awtomatiko, mas nakakatakot dahil malamang nakabatay sa pakiramdam. At hindi ba mas romantiko dahil nakikita natin siya bilang siya, tinatanggap bilang siya at hinahayaan maging siya? At tila ganito naman po ang nangyayari sa mga relasyon - lalo na sa mga matagal na.


*

Oo, parang ganyan yata ang sinasabi ni Marion, na kailangan kong piliin (at piliin lagi nang may buong lakas) na ang isang tao'y magpakita sa akin bilang siya, Other, suheto, tao. "Only charity . . . opens the space where the gaze of the other can shine forth. The other appears only if I gratuitously give him the space in which to appear. . . ." ("Intentionality" 166).


Dahil kung hindi, ang bawat isa'y magiging kahit sino na maaari ko ngang makabungguan lamang sa pang-araw-araw na buhay, isang katawan, isang obheto, atbp. Halimbawa riyan ang Mabuting Samaritano: di gaya ng iba (pari, Levito) na hindi pinansin ang nanakawang Hudyo, tinulungan ito ng Samaritano dahil pinili niyang tignan ang Hudyo hindi na bilang kaaway ngunit bilang tao.


Kaya baka baligtad ng sinabi mo: nagpapakita lamang bilang suheto ang iba sa pamamagitan ng (mabuting) kalooban natin. At baka hindi naman palabas na pagpili ang galaw ng kalooban na ito kundi isang paloob na pasiya na bigyan nga ng espasyo ang kapwa na magpakita bilang tao. Para bagang epoche din kung saan pinipigilan ko ang aking sarili na maghatol sa iba, gawin silang obheto, at panatiliing bukas ang entablado para doon magpakita ang kapwa.


Ngunit nariyan pa rin ang tanong: Sino ang pipiliin kong maging suheto, Kapwa, Other, tao na maaari kong ibigin? Maaari bang lahat lagi, walang mintis, at walang pagkukulang? Tila napakarami, tila napakahirap, nakalilito: and daming tao, ang daming maaaring ibigin.


Maganda ang pinaalala mo sa akin, na ang pag-ibig nga pala ay pinipili o "love is a choice" (iyan ang mga gusto ko, kung saan nabibigyan natin ng pilosopikal na suporta ang mga pangkaraniwaan nating sinasabi). Isang patuloy na pagpili ang pag-ibig na isantabi ang pagka-intensyunal ng kamalayan, na ilagay sa panaklong o isuspindi (epoche muli) ang ako-para-sa-sarili, at managot nang walang hanggan para sa iniibig. Gaya marahil ng sinasabi mo, lagi tayong nagtitinikling sa pagiging ako-para-sa-sarili at ako-para-sa-kanya, pag-ibig sa sarili at pag-ibig sa kanya, o ako at siya. Dahil hindi ibig sabihin na sinabi kong mahal kita ngayon ay awtomatikong magiging ganoon din ito magpakailanman: mahihirapan ako, matutukso ako, mapapagod ako, baka sumuko ako; kaya walang katapusang pagpili, walang katapusang pusta. Ngunit ang kamangha-mangha sa lahat ay nangyayari na ito sa realidad. May mga nagmamahalan hanggang kamatayan. Paano kaya posible iyon? Astig di ba?


*

Ito pa nga rin po ang nakapagtataka. Naguguluhan na ako. Ibig sabihin po ba ay pinipili na natin kung sino ang iibigin sa simula pa lamang? Kasi paano natin gagamitin ang "will" kung hindi natin tiyak kung kanino? Parang mahirap kasing isipin na may will kung nauna ang tawag niya.


At sinasabi po na sa pag-ibig, naka-direkta ang gaze mo sa isang tao at nakakakuha naman ito ng counter gaze. Paano naman po iyong sa unrequited love? Maaari po bang may gaze at may counter-gaze, pero nagiging romantiko ang pagtingin ng isa samantalang ang sa isa naman ay hindi (ngunit may pag-ibig pa rin, ipagpalagay nating kaibigan lamang ang tingin)?


*

Sa tingin ko sabay oo at hindi. Oo dahil kung hindi ko piniling buksan ang aking sarili sa pagpapakita ng isang tao, hindi ko siya makikita. (Kaya nariyan ang halimbawa ng isang taong sarado sa pag-ibig at kung gayon kahit dumating na ang "dapat" ibigin, o kaya ang isang kaibig-ibig, hindi ito mapapansin--hindi iibigin).


Hindi dahil baka hindi naman agad na pinagpapasiyahan nating siya ang iibigin--na gaya ng sinabi mo na sa simula pa lamang iniibig ko na siya ("You had me at hello" na naman gaya ng tanong sa Symposium natin). Ang ibig kong sabihin ay hindi naman sa iniibig ko na siya agad kahit hindi pa siya nakikilala, o hindi pa siya nagpapakita bilang siya. Pero gaya nga ng pinag-isipan natin, nangyayari pa rin ang "love at first sight." Pero kung titignan ito mula sa punto de bista ng tanong natin, baka ang ibig sabihin nito'y mula sa simula ay binuksan ko na ang aking sarili sa posibilidad na siya's makilala at magpakita--at lagi't laging isang pasiya ito, isang pagpili, isang pagkilos ng aking kalooban o "will."


Iyan din ang pangamba na nakita ko dahil sa iyo: na baka ako na ang nauuna at may inisyatibo at, kung gayon, ang pag-ibig ay nagiging isang pagsasakatuparan ng aking kapangyarihan at lakas--ang tinatawag ni Nietzsche na "will to power." Madalas itong mangyari kung saan para bagang isang laro, digmaan, laban ang pag-ibig. Matakot sa ganito dahil hindi ito pag-ibig.


Ngunit baka naman ang tunay na paggamit ng ating kalooban o "will" sa pag-ibig ay upang tayo ay tumugon. Dahil hindi madali ang tumugon, kailangan ito ng pasya, kailangan ng lakas. Pero nauuna pa rin ang tawag. At kahit ang pagiging tahimik at handa para marinig ang tawag ng iba upang makatugon tayo ay nangangailangan na rin ng isang pasiya at "will."



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

Without Why (The Rose) II

Lifetime is a child at play; moving pieces in a game.
Kingship belongs to the child.

Heraclitus, Fragment 52


The child at play never asks itself why it plays. The child just plays; and if it could, it will play as long as possible, it will play throughout its life. See its delight and witness its smile.

If it would never go hungry or if the sun would never set it too will never leave its playmates and playthings. Time flies at play because it stops or suspends time. Time -- as we grownups only know too well -- is the culprit for order, schedules and priorities; yet for the child, there is no time, there is only bottomless play. It is we who impose that this or that should be done at this or that time. We stop the absurd and supposedly endless play ("He does nothing but play") because we insist that discipline, order and priorities be instilled in the child at an early age ("He needs to learn other things beside playing"). So that the child will become like us one da…