Skip to main content

Ika-apat na Tanong


4.


Totoong mahirap umibig. Ngunit kung maharap ka sa isang taong posible mong ibigin, o nasimulan mo nang ibigin, hindi naman papasok sa isip mo kung gaano kahirap ito. Hindi mo tatanungin ang sarili mo kung paano kung masaktan ka lang. Madalas ay naiisip at tinatanong lamang natin iyon kung napagod tayo (gaya nga ng sa Absurdo) – at hindi tayo mapapagod kung hindi tayo umibig muna. Laging nauuna ang pag-ibig.


Ngunit kasabay nang hindi natin pagtatanong ay ang posibilidad na nakabatay lang sa pakiramdam ang “pag-ibig” natin. Iyon ang nakita kong problematiko (dahil sa pag-aaral kay Marion) sa “pag-ibig”. Maaaring mabilis ito dahil masaya tayo. Pero, sa pagsusulat ko nito, naisip ko na marahil kailangan talagang pagdaanan muna yung punto na masaya tayo at mabilis ang lahat. Tila imposibleng hindi pagdaanan ito.


At pagdating sa punto kung saan hindi na mabilis ang lahat, marahil dun natin makikita kung totoo nga ang pag-ibig natin: kung willing pa rin tayong manatili kahit na hindi na mabilis at puro saya lamang. Ngunit hindi ko rin naman po sinasabing ganito ang nangyayari sa lahat sapagkat may iba’t ibang bagay na naka-aapekto sa bawat kwento ng pag-ibig.


*

Gusto ko ang sinabi mo: hindi mo naman tinatanong ang iyong sarili sa simula kung mahihirapan ka ba o masasaktan, at hindi mo naman mararamdaman ang pagod kung hindi mo sinubukan. Ang ganda! Maganda dahil tila iyan ng ang nararanasan natin, ang tapang at lakas ng loob sa harap ng isang posibleng pag-ibig. At walang duda, isa ito sa pinakamatitinding karanasang maaaring daanan ng isang tao.


(At sa palagay ko, kapag dumating na ang araw na hindi na kaya ng isang tao na maramdaman ito [dahil sa kung anumang dahilan: nasaktan na kasi, manhid na, takot na, sawa na, "marunong na," atbp.] habang hindi naman nangangahulugang hindi na ito maaaring pag-ibig, tila may kamatayan nang nangyari--at mahirap buhayin ang bangkay na damdamin. Nagiging awtomatiko ang pag-ibig, pinag-iisipan, tiyak, wala nang damdamin, tila hindi na tao.)


Sabay nito, sumasang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo tungkol sa mga pangamba ng pagiging nakatali sa mga pakiramdam na ito. Ngunit, tama ka, baka hindi ito para sa lahat: may pakiramdam ako na minsan, kung totoo ang pag-ibig, sa unang tingin pa lamang, sa unang bugso ng damdamin pa lamang, minsan, alam na ng iba sa una pa lamang na ang nais ibigin ay iibigin kahit mapagod man sa hinaharap, kahit mawala man ang saya, o kahit mawala na ang damdamin. Na sa unang tingin pa lamang, nalampasan na ang nakikita at nakita na ang hindi makita-kita.


Nangyayari ito sa mga pinalad. Ngunit kung paano, iyan muli ang hindi ko maunawaan.




Comments

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

Without Why (The Rose) II

Lifetime is a child at play; moving pieces in a game.
Kingship belongs to the child.

Heraclitus, Fragment 52


The child at play never asks itself why it plays. The child just plays; and if it could, it will play as long as possible, it will play throughout its life. See its delight and witness its smile.

If it would never go hungry or if the sun would never set it too will never leave its playmates and playthings. Time flies at play because it stops or suspends time. Time -- as we grownups only know too well -- is the culprit for order, schedules and priorities; yet for the child, there is no time, there is only bottomless play. It is we who impose that this or that should be done at this or that time. We stop the absurd and supposedly endless play ("He does nothing but play") because we insist that discipline, order and priorities be instilled in the child at an early age ("He needs to learn other things beside playing"). So that the child will become like us one da…