Skip to main content

Tugon sa Isang Kaibigan tungkol kay Kierkegaard

                 

            

            
  


Maraming salamat sa iyong pagbasa at mga mungkahi! Iba talaga kung may kasama ka sa pag-iisip; laging kulang ang mag-isa.


Naalala ko ang sinabi ni Virgina Woolf sa tanong mo: "Love makes you solitary." Oo nga, para bang ginagawa kang walang kaparis, natatangi at mag-isa ng pag-ibig; inilalagay sa iyong mga balikat ang buong bigat ng daigdig. Baka dahil ito sa natatangi rin ang tawag ng pag-ibig: ako, at ako lamang, ang tinawag--kaya ako lamang, at walang iba, ang maaaring tumugon. 


At gaya nga ng sabi mo, madalas hindi mauunawaan ng iba ang paraan ng pagtugon natin, dahil hindi naman sila ang tinawag. Malungkot at sabay maligaya siguro si Abraham: mag-isa siya sa daigdig, ngunit kasama niya ang Diyos. Tinanong iyan sa akin dati ng estudyante, kung masaya raw ba si Abraham. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil tila imposible yata na maligaya lamang siya. Sabi nga ni K, hindi na naging tulad ng dati si Abraham.


At siguro nga sa pagtataya ng lahat, naroon din ang pagnanasang matamo ang lahat. Baka nagiging posible ito dahil sa mata ng mangingibig ang kanyang minamahal na ang kanyang lahat, at lahat ng iba ay "nawawalan" na ng halaga. Baka ganyan ang pananampalataya. Pinakamalinaw nga iyan kay Abraham



Caravaggio, The Sacrifice of Isaac (1603)


At sa ikalawang punto na maaaring pag-isipan, ang hula ko kung bakit habang alam naman ni K na si Regina ang kanyang ikaliligaya ngunit hindi siya tumalon ay ito: pilosopo kasi si K--nagtatalaban sa kanya ang pag-ibig at kaalaman, pagnanasa at ang kabutihan. At kung minsan, gusto ng pilosopo na gawing sa kanya na lamang ang pakikipagbunuan na ito. Gusto niyang pahirapan ang kanyang sarili. Sa isang, mas mababaw, na banda, sa pamamagitan kasi ng pagdurusa nakapagsusulat ang pilosopo ("My sorrow is my castle"). Kaya gusto niyang ulit-ulitin. Ngunit baka makatulong din itong unawain nang mas mabuti ang mga pangyayari, at sa huli, sa pag-asang mapatawad ang sarili.



O baka ako lang iyon. "From personal experience."



    

                                 

Comments

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

A Love Sooner than Later

BROWN PENNY William Butler YeatsI whispered, 'I am too young,' And then, 'I am old enough'; Wherefore I threw a penny To find out if I might love. 'Go and love, go and love, young man, If the lady be young and fair.' Ah, penny, brown penny, brown penny, I am looped in the loops of her hair. O love is the crooked thing, There is nobody wise enough To find out all that is in it, For he would be thinking of love Till the stars had run away And the shadows eaten the moon. Ah, penny, brown penny, brown penny, One cannot begin it too soon.

*
One cannot begin to love too soon--conversely, one should not love too late or in life's demise. That waiting for the "right time," or the "right person" to love, what are these but the cries or sighs of an unready, even tired, heart? One becomes ready only when one begins to understand love slowly (or again), and one understands love progressively when one, simply, performs the act of love. Love, like mos…