Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2011

Semana Santa

photographs taken at the MMA in New York


Tulay

O HESUS, HILUMIN MO
Koro: O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo

Hapis at pait Iyong patamisin
At hagkan ang sakit
Nang magningas ang rikit (Koro)

Aking sugatang diwa't katawan
Ay gawing daan
Ng 'Yong kaligtasan (Koro)


*


May mga sandali sa ating buhay kung kailan tayo ay nasasaktan, nasusugatan. Hindi natin madaling  makalimutan ang pakiramdam ng lungkot dahil, gaya ng kaligayahan, nadadama natin sa mga pagkakataong ito ang katalagahan ng ating buhay, na hindi pala tayo manhid o isa lamang bangkay. Upang kumirot ang iyong puso kailangan mo ng puso, upang masaktan kailangan mong magkaroon ng pakiramdam. 

Ngayon, alam nating lahat na kung papipiliin lamang tayo ng paraaan upang madama ang buhay, walang duda na ang pipiliin natin ay ang mga magagandang pakiramdam gaya ng kaluguran, saya, at kaligayahan--kung kailan tayo'y tila lumulutang, magaan, nasa langit, at hindi maaaring masaktan. Dahil sa kabilang banda, sa larangan ng lungkot at pa…