Skip to main content

Ang Katangahan ng Pag-ibig




Chasing Pavements
Songwriters: Adkins, Adele; White, Francis Eg;

I've made up my mind, don't need to think it over
If I'm wrong I am right, don't need to look no further
This ain't lust, I know this is love

But if I tell the world, I'll never say enough
'Cause it was not said to you
And that's exactly what I need to do if I'd end up with you

Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?
Or would it be a waste even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?

I build myself up and fly around in circles
Wait then as my heart drops and my back begins to tingle
Finally could this be it?

Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?
Or would it be a waste even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up or should I just keep chasing pavements
Even if it leads nowhere?

*
When making a decision of minor importance, I have always found it advantageous to consider all the pros and cons. In vital matters, however, such as the choice of a mate or a profession, the decision should come from the unconscious, from somewhere within ourselves." --Freud

Sabi ng guro ko dati na ang asong tumatahol, at alam na tumatahol ito, at alam na alam na tumatahol ito--ay tao.

Pinaniniwalaan na kaiba ang tao sa hayop dahil malay ito sa kanyang kapaligiran at sa sarili nito at ang kanyang mga gawain. Hindi lamang tayo gawa nang gawa nang walang kaalaman na ginagawa natin ito. May kakayahan tayong tignan, sukatin, at suriin ang ating mga kilos at hangarin. May kapangyarihan tayong pumili sa pagitan ng mga posibilidad na nakalaan sa atin. Iniisip muna natin ang ating gagawin bago simulan ito. Maaari rin nating tigilan ang pinagkakaabalahan natin pagkatapos ng pagsusuri at pagsukat sa halaga nito.

Nagsusulat ako ngayon, halimbawa. Pinipindot ko ang mga titik sa makenilya upang bumuo ng mga salita at pangungusap. Iniisip ko (harinawa) ang mga sinusulat ko, at hindi na lamang basta-basta lumalabas sa ganito o ganyang ayos ang mga salita rito. Hawak ko ang aking sarili at ginagawa: nagsusulat ako sa pisikal na nibel (pumipindot), at alam kong nagsusulat ako (malay ako); iniisip ko rin ang sasabihin ko bago ko ito isulat (intensyon), namimili ako ng pinakamabisang salita at ideya (pagpasya), at higit pa, may dahilan din kung bakit ako naglalaan ng kaunting oras at lakas sa pagsusulat ngayon (hangarin o layon).

Sa buong payak na pagsasanay ng pagsusulat ko ngayon, naroon ang aking isip at kamalayan upang simulan ang pagpindot sa makenilya; naroon din ito upang gabayan ang aking mga daliri sa tagal ng pagsusulat; at naroon din ang aking isip kahit sa hulihan upang balikan ang nasulat para ayusin pa nang kaunti. Kaya naman mahirap magsulat bagaman tila isang maliit na bagay ito.

At gaya ng sa pagsusulat, pinaniniwalaan natin na ang lahat ng aktibidades at gawain natin ay dulot ng ating kamalayan, pag-iisip at pagpasiya. Nagkakaiba lamang marahil ang antas ng kaluguran o kasiyahan na napapasaatin sa iba't ibang partikular na gawain. Maaaring mas gusto ko, halimbawa, ang ibang gawain dahil maaaring mas madali ang ibang mga ensayo at aktibidades kaysa iba--at ano ba ang ibig sabihin nito kundi mas mabilis isakatuparan at tapusin ang mga gawaing ito dahil hindi kailangang maghirap ang ating isip upang simulan at tapusin ang sinimulan.

Kaya rin naman naghahanap din ako ng mga maaaring gawin na hindi kailangang gamitin ang "utak" dahil "ayokong mag-isip"--kaya nais nating maglibang at tumanga, manood ng sine o telebisyon, maglaro ng basketbol o bilyar, at iba pa, mga panahon kung saan bagaman totoong hindi naman tulog ang isip natin, nadadalian ito sa mga kailangan nitong atupagin. Ang tawag natin sa mga pampalipas oras natin ay libangan dahil sa mga panahong iyon hindi natin namamalayan ang ating mga sarili at ang panahon, na para sa atin ngayon ay nangangahulugang napapahinga natin ang ating isip kahit na may ginagawa pa rin tayo.

Tinatawag naman natin madalas na mas mahirap ang ating mga trabaho at hanapbuhay dahil ito ang mga gawaing kailangan kong iehersisyo ang pareho kong katawan at isip. "Mahirap," "nakakapagod," at "stress" o "toxic," gaya ng madalas natin marinig ngayon, ang trabaho o pag-aaral dahil isip ka nang isip. Kaya rin naman kailangan natin matulog sa gabi upang pagpahingahin ang ating isip. At kakatuwa, sa larangan naman ng mga pangarap sa gabi naghahari ang siyang sumasailalim sa ating kamalayan, o ang subconscious na kinilala ni Freud.

Kaya lumalabas na mula sa mga nauna, hindi maitatanggi ang halaga at mahalagang tungkulin ng kamalayan at pag-iisip sa ating mga pangkaraniwang gawain, mataas man ito o mababaw, mahirap o madali. Lagi tayong nasa ilalim ng araw ng kamalayan. Subukan mo mang huwag mag-isip, kailangan mo pa ring mag-isip upang tangkain ito. Iyan ang sabay na dangal at parusa ng pagiging tao: nakalilipad tayo sa kalangitan gamit ang katwiran, sabay tinatali rin tayo nito sa lupa dahil hindi tayo maaaring magwalang-bahala.

At isa sa mga pagkakataon kung kailan maaaring maging tanikala ang pag-iisip at kamalayan ay kung umiibig tayo. Dahil naroon sa simula at sa dulo ng lahat ng mga landas natin ang pag-iisip, minsa'y hindi matakasan ng pag-ibig na ito'y usisain at laging tanungin ng pag-iisip dahil sa payak na dahilan na may pagmamalay pa rin ang pag-ibig. Umiibig ako--totoo, at maaaring maging napakatindi ng karanasang ito. Ang suliranin lagi ay alam kong umiibig ako: alam ko ang pambihirang pakiramdam na ito habang nararamdaman ko ito, alam ko na maligaya ako, at alam ko rin na masarap ito. (Dahil kung iisipin, wala naman tayong mararamdamang kaluguran kung hindi tayo malay na ang nararanasan natin ay kalugod-lugod.) Tila pati sa larangan ng pagnanasa at pag-ibig, kung gayon, kailangan manatili ang batas ng kamalayan at pag-iisip. Minsan nalulungkot ang pag-ibig dahil kinukulong ito ng "tamang pag-iisip."

Ngunit--lagi nga ba? Bakit kaya kung minsan ay kahit alam naman natin na hindi natin dapat mahalin ang isang iniibig, ay patuloy pa rin nating ginagawa ito? Bakit kaya kung minsan ay bagaman alam natin na hindi rasyunal o walang katuturan o pupuntahan ang pag-ibig ko sa isang tao, ay hindi pa rin natin tinitigil ang pagsisikap natin, kundi lalo pa nating iniibig ito? Bakit kaya, sa isang salita, may mga sandali kung kailan hindi pinakikinggan ng pag-ibig ang mga babala ng katwiran, at iniiwasang isumite ang mga hangarin nito sa pag-iisip na karanawinang naghahatol sa bisa at dahilan ng ating mga gawain at layon?

Sige, tignan natin.

Ano ba talaga ang nangyayari kapag sinusuway ko ang mga dikta ng aking isip at katwiran upang umpisahang o manatili sa isang di-makatwirang pag-ibig? Nangangailangan na kung hindi man (o hindi na) isip ang sinusunod ng aking pag-ibig, pag-ibig na mismo ang batas na namamahala sa aking mga kilos at pasya. Ngunit kung ganito nga, magiging tawtolohikal ang ganitong pag-ibig. Ibig sabihin, hindi ko maipapaliwanag ang aking sarili--sa iba at kahit sa sarili--kung bakit go gustong umibig maliban sa pagsabing gusto kong umibig. Ang nagiging pangamaba ng pag-ibig na bumabalik sa sarili nito ay baka maging absurdo, arbitraryo, 'wala lang', at baka hindi naman totoo ang pag-ibig ko. Pagdating sa mga pinakamahalaga nating desisyon--kung sino ang iibigin, kung kainino ilalaan ang pahanon o buhay man--may pangamba na maaaring mauwi tayo sa katahimkan o kibit ng balikat.

Kaya kinakailangang isipin na mayroon pa ring lohika ang aking di-makatwirang pag-ibig na maaaring maipaliwanag upang mailigtas ako sa kabaliwan. Mayroon pa bang ibang batas o lohika na mahahanap liban sa striktong lohika ng pag-iisip maliban sa katwiran ng pagnanasa o desire? Pagnanasa, hindi ba, ang siyang aking nararamdaman (at hindi lamangnaiisip) kapag nais ko pa ring umibig kahit na hindi na 'dapat' o walang mararating ang aking pag-ibig? Totoo ang pagnanasa at hindi kathang isip: namamalayan ko rin ito, damang-dama ko ito sa aking laman, pinasisigla at pinaliligaya ako nito sa parehong sukat at bisa na maaaring magalit o malungkot ako kapag hindi naisakatuparan ang pagnanasa ko. Muli, tunay ang pagnanasa at hindi ko ito maitatanggi bilang aking nararanasan nang hindi ako nagsisinungaling--at madalas, mas totoo pa ang pagnanasa sa anumang katotohanang taglay ng aking isip.

Ang suliranin lamang ay lagi't lagi nating tinuturing na mapanganib ang pagnanasa dahil padalus-dalos ito, marahas, nagmamadali, at walang pakialam o pagkilala sa anuman maliban sa mga pagnanais nito. Makasarili, anila, ang pagnanasa dahil sa mismong depenisyon nito, iisa lamang ang hangad ng pagnanasa, at ito ang mapalapit at mapasanito ang pinagnanasahang bagay. Kaya lagi nating naririnig na huwag tayo dapat maging padalus-dalos, na pahupain muna ang bagyo ng ating pakiramdam, at mag-isip muna bago magpasya.

Tila simula't sapul pinagtatapat natin ang pag-iisip o katwiran sa pagnanasa bilang magkasalungat. Na para bagang kailangang mamila sa dalawa. Na magkalaban sila at dapat iisa lamang ang magwagi. Madalas mangyari na ang pasya na umibig ay nauuwi sa pagpili sa pagitan ng pag-iisip at pagnanasa, sentido kumon o katangahan, ebidensya o kabulagan, realidad o pantasya.

At hindi rin maikakaila ang laganap na paniniwala na hindi maaaring magsabay ang isip at pagnanasa pagdating sa pag-ibig. Itinakda ng higit na Marunong na ipaghiwalay ang ating ulo sa puso, magpakailanma'y sinusumpa tayo na sumayaw gamit ang dalawang paa na may sari-sariling kanta. Anila kung may lugar man ang tangang pagnanasa sa pag-ibig, ito ay limitado lamang sa mga simulain ng pagmahahal, sa unang yugto ng pag-ibig, sa mga bata, sa hindi pa marurunong. At nararapat na pagkatapos ng yugto ng matinding pakiramdam ng pag-ibig, ng 'falling in love stage,' gaya ng madalas ilarawan ng marami, kakailanganin naman nating maging 'realistiko' at simulang mag-isip. Totoo ba ang nararamdaman ko? May pupuntahan kaya ito? Tama ba ito? Magkakasundo kaya kami sa matagalan? Siya nga kaya ang nakalaan sa akin? Iiwan niya kaya ang kanyang iniibig para sa akin? 

Walang mintis, pagkatapos ng malalim na gabi ng pagnanasa, dali-daling sumisikat ang araw upang muling ipamalas ang maghigpit na daigdig na humihingi sa atin ng mga malilinaw na paliwanag.  

François Boucher (1703-70), The Foot of Miss O'Murphy,  Musée Carnavalet, Paris
Paano kaya kung gayon maaaring manatili sa ilalim ng araw ang mga pagnanasa ng gabi? Paano, sa ibang salita, maaaring manatili ang pagnanasa bagaman kinakailangan na ngang mag-isip? Paano sila ipagtatagpo upang mabigyan ako ng malinaw na pasya na, bagaman hindi nga lohikal na umibig pa o muli, may halaga at kahulugan pa rin ito kahit para bagang wala na?

Wari ko, maaari lamang ipagkasundo ang isip at puso, lohika at pagnanasa, kapag sa halip na gamiting panangga o hadlang sa pagnanasa ang lohika o pag-iisip, gamitin ang huli upang patibayin ang nauna. Kung maaari mong pigilan ang sarili mong umbig sa pamamagitan ng pag-iisip, maaari mo rin gamitin ito upang patuloy na umibig. Ayon sa agham ng lohika, dalawa lamang ang maaaring maging posibilidad para sa mga tanong tungkol sa mga estado ng bagay: Tunay o Hindi. At dahil maaari tayong pigilan ng isip umibig, maaari rin tayo nitong himukin upang lalong umibig. Nasa kapangyarihan ng isip na suportahan ang mga kilos at pasya ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dahilan para rito--kahit para bagang mali naman ang mga ito.

Halimbawa. Iniibig ko siya, at mukha namang iniibig niya rin ako. Ngunit lagpas sa nararamdaman namin para sa isa't isa, hindi napag-uusapan kung ano ang kinabukasan ng relasyon namin. Tahimik siya pagdating diyan, at maaaring ang kanyang pagtikom ng bibig ay dala na rin ng iba't ibang dahilan. Baka hindi pa siya handa at baka natatakot siya. O baka nanggagaling siya sa isang masakit na nakaraan kaya ayaw niya pang magtaya, o baka naman talagang hindi niya lamang ako mahal. Ang lahat ng mga posibilidad na ito ay tiyak na kinatatakutan ko: Kung ganoon nga, dapat pa ba akong manatili? Kung panandalian lang naman pala ito, o kung wala kaming pupuntahan, hindi ba dapat na itigil na ito? Ang nagpapahirap pa lalo sa sitwasyon ko ay ang kaniyang pananatiling tahimik.

Habang malinaw na maaari akong makarating sa konklusyon na dapat ko nang tigilan ang 'kabaliwang' ito--dahil nga naisip kong walang mararating ito--maaari rin naman, sa kabilang banda, na magbigay ako ng dahilan upang makapagpasya ako na lalong manatili. Maaari kong sabihin na wala akong pakialam kung walang magandang maibubunga ang relasyong ito dahil ang mas mahalaga sa akin ay ang nararanasan kong kaligayahan ngayon. O kahit iwan niya rin ako di maglaon, o malaman kong hindi pa talaga siya handa--wala ring halaga sa akin iyan kumpara sa katotohanang narito siya ngayon, at may ipinapakita siya sa akin na hawig sa totoong pag-ibig.

Kung madalas ilarawan ang pag-ibig bilang pipi at bulag, tungkulin ng pag-iisip na magsalita para sa puso at magpaliwanag. Tandaan lamang na hindi kinakailangang maging iisa lamang ang mukha ng pag-iisip--ang etikal na aspeto nito na, ayon sa pilosopong si Kant, maaaring magbigay sa akin ng sagot sa tanong na ano ba ang dapat o tamang gawin ng bawat isa kung siya at nasa aking kinalalagyan. Lagi nating iniisip na ang pagiging rasyunal ay katumbas ng pagiging etikal, tama, matematikal, pagiging moral o mabuti, o ang pagiging realistiko. Kung ganito nga lamang ang silbi ng katwiran, talaga namang hinding-hindi magkakasundo ang isip at puso dahil malaya mula sa mga batas ng mabuti at masama, realidad o panaginip, ang puso. Ngunit may isang mukha pa ang pag-iisip na hindi nangangailangang maging laging tama. Kaya ng pag-iisip na gawing tama ang mali, gawing lohikal ang hindi, gawing tila totoo ang maaaring hindi.

At ito ang maaaring ibahagi ng isip para sa pagnanasa: gamit ang aking isip, maaari kong panindigan ang aking mistulang maling pag-ibig. Dahil baka hindi kaya panindigan ng pagnanasa ang sarili nito, o dahil hindi kailangang magpaliwanag ang pag-ibig dahil mangmang ito, nasa kapangyarihan ng isip na bigyan tayo ng lakas upang sabihing Hindi, tama ito, tunay ang pag-ibig na ito. At pansinin na hindi ako tatanga-tanga kapag sinabi ko ang mga salitang iyon. Pinag-isipan ko ito. Tinignan ko talaga ang sitwasyon ko. At matapos tignan ang lahat, pinagpasyahan ko na habang maaaring wala nga itong marating, gusto ko pa ring makita kung hanggang saan ito dahil gusto ko. Bakit? Dahil pasya ko ito. At walang nang mas malinaw pa sa mga pasya at mga paninindigan natin, malabo man sila para sa iba.

Rasyunalisasyun lamang ba o pagpapalusot ang lahat ng ito? Na inuuna ko ang pakiramdam tapos naghahanap ako ng anumang dahilan na pabor sa akin (gusto ko talaga siya, baka mahal niya ako talaga, baka 'meant to be kami', at iba pa) upang panatilihing umibig kahit baka wala naman akong maratnan? Oo. Pero hindi ba't sa maraming pagkakataon huli naman talaga dumarating ang mga dahilan, na mas nauuna ang mga pakiramdam? Hindi ba't marami tayong sinisumulang gawain o proyekto o relasyon na hindi malinaw sa atin kung bakit nating pinapasok ito? Laban sa unang nasabi sa itaas, baka hindi naman talaga tayo mga nilalang na lagi't laging may pagmamalay sa ating mga sarili, lalo na sa ating mga intensyon. Hindi tayo malinaw sa sarili natin. Malabo madalas ang ating mga gusto at pagnanasa, tila walang lohika--hanggang bigyan ko ito ng paliwanag sa tulong ng aking isip.

Gaya ng tanyag na sinabi ng pilosopong si David Hume,
We speak not strictly and philosophically when we talk of the combat of passion and of reason. Reason is, and ought only to be, the slave of the passions, and can never pretend to any other office than to serve and obey them.    
Baka dapat nating isipin minsan na sa halip na ituring lagi ang pag-iisip bilang siyang tagapagsabi sa atin tungkol sa ano ang dapat o tama o mabuti o lohikal na gawin, maaari rin maging tagapaglarawan at tagapagpaliwanag ito sa ating nararanasan. (Hindi lamang prescriptive ang isip, descriptive din at explicative ito). Na sa halip na parang isang mahigpit na hukom ang katwiran, ito'y isang abugado na kahit linabag mo nga ang batas ay ipaglalaban ka pa rin.



Comments

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

Without Why (The Rose) II

Lifetime is a child at play; moving pieces in a game.
Kingship belongs to the child.

Heraclitus, Fragment 52


The child at play never asks itself why it plays. The child just plays; and if it could, it will play as long as possible, it will play throughout its life. See its delight and witness its smile.

If it would never go hungry or if the sun would never set it too will never leave its playmates and playthings. Time flies at play because it stops or suspends time. Time -- as we grownups only know too well -- is the culprit for order, schedules and priorities; yet for the child, there is no time, there is only bottomless play. It is we who impose that this or that should be done at this or that time. We stop the absurd and supposedly endless play ("He does nothing but play") because we insist that discipline, order and priorities be instilled in the child at an early age ("He needs to learn other things beside playing"). So that the child will become like us one da…