Skip to main content

"Kung natatakot ka sa pagiging mag-isa, huwag kang magpakasal"




Edouard Vuillard, Madame Vuillard at Table, 1888

Bakit nagkakalayo ang dalawa na tunay namang nag-iibigan? Bakit minsan natatapos ang pag-ibig kahit hindi naman ito nawala? Kung tunay na nag-ibigan, hindi ito dapat natapos, di ba? Kung talagang nagmamahalan, hindi dapat nagpaalam, di ba? Ngunit nangyayari iyan. Bakit kaya?

Isantabi na natin ang mga madalas na dahilan. Nagkakasakitan--ngunit kabalintunaan ito; bakit magsasakitan ang nag-iibigan? At kung magkasakitan man, dapat ay nagpapatawad sa isa't isa, nagbibigayan. Nagkasawaan--hindi nagsasawa ang pag-ibig dahil ginagawa ng pag-ibig na bago ang lahat. Sumobra ang pag-ibig, naubos, napagod--ngunit magaan ang tunay na pag-ibig, madali, o kung napagod man ay hindi ito napapansin. Lumungkot? Baka. Paano kayang posible na maging malungkot sa isang pag-iibigan?

"Kung natatakot ka sa pagiging mag-isa, huwag kang magpakasal." Sabi iyan ni Chekhov. Kakatuwa. Ngunit bakit kaya? Bakit maaaring maranasan ang matinding pag-iisa kung ang pag-ibig nga ay isang kilos palabas ng sarili, patungo sa iniibig?

Palagay ko ito: dahil kapag labis kang umibig, nakasalalay sa iniibig ang buong kaligayahan mo. Paano kung, dahil tao lamang siya, ay hindi niya maibigay sa iyo ang lahat ng hinahangad mo? Dahil hubad ka, mas madali kang masugatan. Dahil ibinigay mo ang lahat, magiging yagit ka. At dahil hindi na mahalaga sa iyo ang iyong kaligayahan sa dahilang hindi na mahalaga ang iyong sarili, nawawala ang iyong sarili, at naiiwan ka sa daigdig bilang isang pag-iral na walang katangian. At kapag wala ka nang katangian (naubos na o kinalimutan mo na), nagiging isa kayo ng daigdig, wala nang pagkakaiba ang lahat, kaya lagi't laging natatagpuan mo ang sarili mo sa lahat ng bagay, gaya ng karanasan natin kapag tayo ay mapanglaw--ikaw ay nagiging mag-isa.

Malungkot iyon. Kaya madalas ang ginagawa na lamang kapag nagiging mahirap na ang umbig ay biglang ingatan ang sarili, isipin ang sarili, "ako na muna," "paano naman ako?" at sa huli ay sagipin ang sarili mula sa pagkalunod sa daigdig. O di kaya'y tapusin na lamang ang mga relasyon--kahit na hindi naman talaga nabawasan ang iyong pagmamahal. 

Kung saan kapag wala kang minamahal, kahit "mag-isa" ka, inaasikaso mo ang iyong sarili, at sa ganoong paraan inilalayo mo ang iyong sarili sa mga bagay sa pamamagitan ng paghahanap ng sariling kaligayahan. Hindi mag-isa ang mga nag-iisa (at walang iniibig) dahil sa akto ng pag-ibig sa sarili, hinahati mo ang iyong sarili sa dalawa: ikaw na umiibig, at ikaw na iniibig. Gaya ng dalawang kamay na nagbibigayan sa isa't isa kung saan nararanasan ng isang tao ang pagbigay-pagtanggap nang walang kinakailangang iba. May kasiyahan diyan. Bakit? Dahil alam mo kung ano ang kailangan mo at kung ano ang maibibigay mo sa iyong sarili. Walang posibilidad ng kabiguan diyan. Ang lahat ay nauuwi sa pag-alam muna kung ano ang iyong gusto, tapos pagpapatupad nito. (Kung gusto mong kumain ng tuyo, di magluto ka. Kung walang tuyo, bumili ka.) Hindi mo na kailangang asahan ang iba na ibigay sa iyo ang hinihingi mo (dahil kaya mo naman nang mag-isa). Walang posibilidad na masaktan diyan. Dahil sino naman ang tangang sasaktan ang sarili niya?



Comments

  1. Marahil isa sa mga posibleng dahilan ng paghihiwalay ay ang labis na pag-asa mula sa minamahal. Gaya ng inyong sinabi, isinasalalay ng isang umiibig ang buong kaligayahan niya sa minamahal na minsa'y nakakalimutan na niya na may ibang identidad ang taong iyon. Nalilimutan na kahit gaano "ka-isa" ang kanilang nararamdaman, magkahiwalay pa rin silang umiiral. At ang pagkakahiwalay na iyon din ang dahilan kung bakit hindi kailanman mapupunan ng buong-buo o maaabot ang inaasahan na itinakda ng bawat isa.

    Kaya't sinasabi, "napapagod na akong mahalin siya" o kaya'y "napapagod na akong intindihin siya" dahil umasa ang isa na maaabot ng minamahal ang mga ekspektasyon na tanging ang nagtakda lamang ang makaaabot - dahil siya ang mas nakakakilala sa sarili. Marahil mas mabuti ngang huwag na lamang maghanap kung takot rin naman ang nagmamahal na mabigo, masaktan, at mawalan ng gana.

    Ngunit ganap nga ba ang kaligayahan doon?

    Hi sir, magandang gabi! Napadaan lang at nabasa ko ito at saktong maraming nasa isipan kaya't hindi makatulog. O para bang masyadong pagod para makatulog.

    ReplyDelete
  2. Di maaari rin kayang sabihin na "kung gusto mong mabigo, umibig ka"?

    Naibigan ko ang mga puna mo. Totoo, madalas mangyari na nabibigo tayo (maliit na tampo man o malalim na nasaktan) dahil nakasalalay tayo sa kanila. Dahil kapag sinabi mong "mahal kita," para mo na ring sinasabing "umaasa ako sa iyo na hindi mo ako bibiguin." Walang ibang paraan, marahil, kung hindi sabihin din iyan. Dahil ano naman ang pag-ibig na sarado sa sarili, hindi nangangailangan ng iba, na masaya na sa sarili kahit nag-iisa?

    Ngunit hindi, gaya ng iniisip madalas, naman ito dapat mauiwi sa pagsabing "hindi ko kayang mabuhay kung wala ka," na ang lahat ay nakapende o nakasalalay sa kanya. Iyan naman ay pagmamalabis, at ang pangamba riyan ay umiibig ka hindi dahil pinili mo ngunit dahil kinailangan mo.

    Ang tinutukoy kong pagsalalay sa iniibig ay isang malayang pagpasiya na mahalaga ang iniibig ko sa akin. Na bagaman kumpleto ako at maaaring maging sapat sa sarili, nakikilala ko na ang sarili ko ay nagiging "mas kumpleto" (na sa lohikal na pagtingin ay absurdo) dahil sa iniibig, at ako ay nagiging higit sa kung ano na ako. Love makes us larger. By its sheer excess it saturates me to the point of exploding, which comes to the same as radiating from inside of me a happiness which will always be greater than what I can diffiuse on my own.

    At dito tayo maaaring mabigo: dahil nakita mo na ang higit na liwanag at naranasan mo na ang labis na kaligayahan, kapag nawala ito, kahit nakakakita ka pa rin naman at sapat naman ang kaligayahan mo, lagi't lagi mong hahanapin ang araw, maaalala na dati ay naging mas maligaya ka. Nagiging kulang ang sapat. Nakabubulag din kasi ang labis na liwanag.

    Magandang araw, Fielle. Huwag masyadong mag-isip, lalo na sa gabi. Baka ma-"A Clean, Well-Lighted Place" ka niyan.

    ReplyDelete
  3. i liked what you wrote here, iamthesaint. thanks for sharing your thoughts and insights.

    i was happy being alone. but i chose to love. now, i can't help but be lonely in love... because i expected too much from him and i put my happiness at the palms of his hands... i can relate to what you wrote down. thanks again! Godspeed!

    ReplyDelete
  4. Hi, Emy. I'm sorry to hear that. But hey, if you are not going to give up soon, there is still time to learn, both you and him. The roughest part is in the beginning when you expect too much and see that those expectations are not met. Why not relax and loosen those expectations and let what can happen happen; that way, he would be able to show himself and who he is without those prior criteria boxing him in. It is a very difficult responsibility to carry on your shoulders the happiness of an other, especially when everything is placed on those shoulders.

    The happiness of lovers is not enjoyed separately by one and the other; it is shared, not only yours or his. That way, you lift each other like two people carrying the same cross, and enjoy the same happiness. Being lonely in love either means one is only concerned of his own happiness, or it can happen that the other does not help carry the weight supposedly shared.

    But that's just an observation. I've just that quite often. I don't mean to intrude. Fare you well.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Fields of Amorsolo

The first National Artist in Philippine history, referred to warmly as the “Grand Old Man of Philippine Art,” Fernando Amorsolo (1892–1972) still stands today as a looming figure in Philippine art responsible for being one of the artists who helped define what we up to now visually imagine as essentially Filipino. The images of rural life, of golden fields below clear blue, blue skies; the smiles of farmers which diminish their weariness as they plant, harvest, and winnow rice;most especially the iconic figure of the Filipina maiden working in the fields—the beloved dalagang bukid--; these, I believe, even after generations of Filipino painters since Amorsolo, have remained in our hearts and memory. Amorsolo did what great masters do for their country: bestow upon it its own icons, represent its native beauty, that is, to give its people and lands an identity and a face. There are, however, as many intentions for art as there are works of art. And these intentions will always remain in…

[Payapang Daigdig]

Written by Pat Nogoy, S.J.

Payapang Daigdig Felipe de Leon, Sr. 
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik  Pati mga tala      Sa bughaw na langit 

Kay hinhin ng hangin Waring umiibig          Sa kapayapaan          Ng buong daigdig     
Payapang panahon    Ay diwa ng buhay Biyaya ng Diyos       Sa sangkatauhan
Ang gabi'y payapa Lahat ay tahimik Pati mga tala Sa bughaw na langit  
Pati mga tala           Sa bughaw na langit


The gift delivers Being/being Jean Luc Marion

There is something about the night.
The blanket of darkness hovering the other half of the day sparks ambivalence. Everything is the same in darkness—fear, joy, pain, triumph, doubt, glory, sorrow. Identities recede unto the vast anonymity. There is a pervading anxiety where existence slips into nothingness. One is never certain what to make out of darkness; maybe that is why the night shakes us because we never know. One cannot avoid imagining a something that is greater, higher, mightier, (even sinister) that lurks (hence the power of ghos…

A Love Sooner than Later

BROWN PENNY William Butler YeatsI whispered, 'I am too young,' And then, 'I am old enough'; Wherefore I threw a penny To find out if I might love. 'Go and love, go and love, young man, If the lady be young and fair.' Ah, penny, brown penny, brown penny, I am looped in the loops of her hair. O love is the crooked thing, There is nobody wise enough To find out all that is in it, For he would be thinking of love Till the stars had run away And the shadows eaten the moon. Ah, penny, brown penny, brown penny, One cannot begin it too soon.

*
One cannot begin to love too soon--conversely, one should not love too late or in life's demise. That waiting for the "right time," or the "right person" to love, what are these but the cries or sighs of an unready, even tired, heart? One becomes ready only when one begins to understand love slowly (or again), and one understands love progressively when one, simply, performs the act of love. Love, like mos…